Mga Sanaysay Tungkol sa Edukasyon (10 Sanaysay)

Mga Sanaysay Tungkol sa Edukasyon

Tunay nga na ang maayos na eduksyon ang pamana ng mga magulang na hindi mananakaw ninuman. Hindi lahat ng tao ay may kakayahang makakuha ng maayos at pormal na edukasyon. Kaya naman sa mga taong may kakayahang makapag-aral at makapagtapos ng kanilang pag-aaral ay hindi dapat ito gawing biro o kaya ay ipagsawalang-bahala lamang bagkus ay maging mapagpasalamat.

Malaki ang naitutulong ng edukasyon sa buhay ng tao. Upang malaman ang kahalagahan nito, magandang mabasa mo ang mga halimbawa ng sanaysay tungkol sa edukasyon na nasa ibaba. Ang mga sanaysay na ito ay masusing pinag-isipan ng mga sumulat na maaring makaapekto kung paano mo tinatanaw o tinitingnan ang edukasyon na mayroon ka ngayon. Maaari mo rin itong gawing gabay kung sakaling gagawa ka din ng sanaysay sa kaparehong tema.

Halina’t basahin ang sampung sanaysay tungkol sa edukasyon na aming kinalap at pinagsama-sama. Nawa ay makatulong sa iyo ang mga sanaysay na ito. 🙂

SEE ALSO: Mga Talumpati Tungkol sa Edukasyon

Mga Halimbawa ng Sanaysay Tungkol sa Edukasyon

Ang kahalagahan ng edukasyon, kahalagahan ng edukasyon, kahalagahan ng pag-aaral o edukasyon tungo sa pag-unlad ng bansa, ang kahalagahan ng edukasyon para sa akin, edukasyon edukasyon, ang k+12 sa edukasyon ng pilipinas, matuto tayong humawak ng pera, ang kahalagahan ng edukasyon sa kabataan, edukasyon: tungo sa magandang kinabukasan, ang pag-ibig ng edukasyon.

Mula sa Sanaysay-Filipino.blogspot.com

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.

Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin.

Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran.

Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga layunin nito.

Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang matupad. 2011 Mga Sanaysay sa Filipino.

Mula sa Edukasyon.wordpress.com

Ang Edukasyon ay mahalaga sa bawat isa dhil dito nakasalalay ang kinabukasan ng bawat tao at kung ano ang kanyang kahihinatnan d2 sa mundo. At ito ang ating sandata para magkaroon ng magandang buhay. Maraming paraan upang makamit natin ang isang mabuting hinaharap. Ang paghahanda para sa ating kinabukasan ang mabisang paraan upang makasiguro tayo sa ating pamumuhay. Ngunit may mga hadlang din na maaring pumigil sa ating pagtatagumpay, kaya marapat lang na maging maagap ang bawat isa sa atin upang tagumpay na malagpasan ang mga ito. At ang pagkamit ng tagump[ay ay kailangan buo determinasyon, tiwala sa sarili, may pananampalataya sa Diyos at marami pang mga katagian na dapat nating taglayin para makamit natin ang magandang bukas. “KAHIRAPAN AY DI HADLANG SA KINABUKASAN”. Lagi natin tandaan na tayo gumgawa ng ating sariling kapalaran kaya kung anuman ang ating tatahakin ay nakasalalay sa ating mga kamay. at lagi tayo sasandal sa ating Panginoon sa lahat ng ating mga ginagawa dahil walang imposible sa kanya kung tama at nararapat ang iyong ginagawa.

Sanaysay ni Yolanda Panimbaan

Edukasyon…susi ng tagumpay. Ang tanging yaman na kahit kailan ay hindi makukuhalalong-lalo ng hindi mananakaw ng kahit na sino man dito sa mundo. to ay pinakaimportante o pinakamahalagang bagay para magtagumpay sa ating mga buhay. Anu-ano ang kahalagan ngedukasyon para makatulong sa ating bayan! Paano makakamit ang tamang edukasyon! Paanomakakatulong ang edukasyon sa ating buhay!

Ang kahalagahan ng edukasyon para makatulong sa ating bayan ” halimbawa sa isangkomunidad iilan lamang ang may alam tapos ang karamihan ay walang pinag-aralan” mahalagatalaga ang edukasyon para umunlad ang ating bayan. #akakamit ang tamang edukasyon sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti.

Sa buhay natin ay hindi lahat nakukuha ng walang paghihirap at pagsisikap, ganoon din sa pag-aaral. Dadaan ka muna sa butas ng karayom at ika nga nila bago ka makakatapos sa pag-aaral, kailangan malakas ang loob mong harapin ang kahit na ano man ang hadlang o suliranin dahilkung lahat ng hadlang ay kaya mong lampasan. Siguradong may maliwanag na bukas angmaghihintay sa iyo. Malaki ang tulong ng edukasyon sa ating mga buhay lalo na kung nakataposka ng iyong pag-aaral. Kapag nakatapos kana sa pag-aaral at nakakuha kana ng magandang trabaho ay gaganda na ang takbo ng buhay mo pero syempre pagdating naman sa trabaho dapat galingan ang pag tatrabaho para sa ikakaunlad ng buhay. Nakakapanghinayang lang ang iba nanakapagtapos na nga at lahat-lahat ay ayos ay hindi naman ginagamit ang pinag-aralan. Sayang lang ang ginastos at panahon na inilaan sa pag-aaral.

Kaya habang may buhay at may pagkakataon pang puwedeng mag-aral, sikapin at pilitin nating makakuha ng edukasyon para sa ikauunlad ng buhay dahil mahirap na hanggang sa kamatayan ay mangmang. Kaya nga nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Gagawa ka ng may pagtitiwala at pananalig sa Amang Lumikha para ang tulong Niya ay makakamit.

Sanaysay ni Junrey Casirayan

Edukasyon daw ang tanging paraan tungo sa magandang Kinabukasan. Gaano nga ba Kahalaga ang Edukasyon? Bakit ba napaka-importante nito? Ilan lang yan sa mga katanungan ng bawat isa sa atin.

September 18, 2009 namatay ang pinakamamahal kong Ama. Halos dinamdam ko ng sobra ang pagkawala niya. Unti-unti akong nanghina, nawalan ng lakas ng loob at unti-unting nawalan ng pag-asa. Sobrang sakit ang naramdaman ko noong mga panahong yon. Parang nadurog yong puso ko at nawalan ako ng ganang mag-aral. Kaya noong 2010, tumigil ako sa pag-aaral. Siguro nga sinayang ko lang ang mga oportunidad. Ang bawat pagkakataon ay binalewala ko lang. Kaya heto ako ngayon, walang natapos at punong-puno ng pagsisisi.

Sa panahon ngayon may mga taong nakapag-aral nga, ngunit wala namang mabuting asal. Yong puntong nakapagtapos nga sila ng magandang kurso, ngunit hindi naman umaakto ng maayos ayon sa kanilang pinag-aralan. Sa mahaba-habang panahon na lumipas, natutunan kong Pahalagahan ang Edukasyon. Para sa akin kasi, ang Edukasyon ay hindi lang pataasan ng marka o ng natapos na kurso. Kailangan mo ring panindigan na talagang may Pinag-aralan ka. Kailangan mong matutunan kung paano rumespeto ng ibang tao at kung paano irespeto ang sarili mo. Edukasyon ang masasabi kong pinaka-matibay na pundasyon. Para sa akin napakahalaga nito, dahil ito lang ang daan upang makamit natin ang ating mga mithiin. Edukasyon ang magsisilbing tulay natin sa pag-abot ng ating mga pangarap. Kaya nitong baguhin ang buhay ng isang tao. Kapag may pinag-aralan ka, madali na lang para sa’yo na abutin at kamtin ang hinahangad na tagumpay.

Ang Edukasyon ang pinakamahalagang pamana ng ating mga magulang. Lahat ng bagay sa mundo ay lumilipas, pero ang Karunungan kailan man ay hindi kumukupas. EDUKASYON lamang ang NATATANGING bagay na hindi MA-AAGAW ninuman. Hindi SAPAT na NAKAPAGTAPOS ka lang, kasi para sa’kin kailangan BAONIN mo rin ang KARUNUNGANG natutunan mo sa loob ng PA-ARALAN.

Mula sa Academia.edu

Prayoridad sa sektor ng edukasyon ang susi sa ating kaunlaran!Maraming beses na natin itong narinig. Ilang mga dakilang tao na rin angpaulit-ulit na sinasabi ito. Ilang pag-aaral na rin ang nagpapatunay na malaking bagay ang sapat at dekalidad na edukasyon ng mgamamamayan para sa kaunlaran ng isang bansa.

Ngunit sa ating bansa, sa matagal na panahon ay napabayaan ng ating pamahalaan ang mahalagang sektor na ito ng ating lipunan. Sakawalan ng magandang plano sa sektor ng edukasyon, maging ang mga college graduates natin ngayon ay hindi na nakakahanap ngtrabaho. Sa pag-aaral ng Labor Force Survey ng National Statistics Office, lumalabas na kahit nakatapos sa kolehiyo, 18% ng mga walangtrabaho sa Pilipinas ay mga college graduates. Pangatlo ang mga college graduates sa listahan ng mga madalas walang makuhangtrabaho mula taong 2006 hanggang 2011.

Hindi na nakakagulat ito dahil marami sa mga kolehiyo sa bansa ay nakakakuha ng zero passing rates sa mga professional examinations.Sa lahat din ng professional exams sa lahat ng disiplina sa bansa, lubhang mababa ang average passing rates. Sa datos ng Commissionon Higher Education o CHED, noong 2010 ay 33.91% ang average passing rate at noong 2011 naman ay tumaas lamang ito sa 35.37%average passing rate. Ibig sabihin, lubhang kakaunti lamang ang pumapasa sa mga exams dahil na rin sa hindi dekalidad na edukasyon samaraming bilang ng mga colleges at universities sa bansa.

Ang isa pang dahilan ng patuloy na mababang kalidad ng edukasyon sa bansa ay ang kawalan ng mga mahuhusay na guro sa bansa.Kung titingnan ang teacher-pupil ratio ng Pilipinas kumpara sa mga karating bansa nito, tunay na may problemang kinakaharap ito. Sadatos ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO, noong 2009, sa bawat isang guro sa Pilipinas ay 39pupils ang tinuturuan nito o may ratio na 1:39. Samantala, ang teacher-pupil ratio sa bansang Malaysia ay 1:13 lamang; Thailand ay1:16; Indonesia naman ay 1:17 lamang; at maging ang bansang Vietnam ay may teacher-pupil ratio lamang na 1:20.

Tulad ng pagkain, tirahan, at trabaho, isang karapatang pantao ang pagkakaroon ng sapat at dekalidad na edukasyon. Dapat itongpahalagahan dahil bahagi ito ng pangangalaga ng dignidad ng tao. Ayon sa turo ng Simbahan, ang edukasyon din ang nagbibigaykakayahan sa sinuman na makilahok sa pagpapatakbo ng lipunan at sa pagsisigurong ang lahat ay nakikinabang sa mga bunga ng pag-unlad. Ang patuloy na pagbaba ng kalidad ng edukasyon sa bansa ay patunay lamang ng napakalaking pagkukulang sa pangangalaga atpagtataguyod ng karapatang ito.

Panahon na samakatuwid na iangat ang sektor ng edukasyon sa ating bansa. Kailangang matukoy ng pamahalaan ang napakahalagangkontribusyon ng mga paaralan sa kaunlaran ng ating bansa. Kailangan ang tunay, mabilis at epektibong reporma para sa sektor ngedukasyon sa Pilipinas.

Kasalukuyan ng ipinapatupad ng pamahalaang Aquino ang programa nitong kung tawagin ay K+12. Ito ay ang pagdaragdag ng taon saBasic Education ng bansa. Sa programang ito ay hindi na tatanggapin sa unang grado ang batang hindi nag-kinder bilang unang hakbangsa pagpapatupad nito. At ang isa pa ay ang dalawang taong dagdag sa high school na ibig sabihin ay magkakaroon ng tinatawag naSenior High. Sa loob ng dalawang taon sa Senior High ay maaaring mamili ang isang estudyante ng kanyang espesyalisasyon naTechnical/Vocational course o isport at iba pang pagpipilian.

Ang programang ito ay naglalayong mapataas ang kalidad ng edukasyon ng bansa. Ang Pilipinas na lang kasi ang bukod tanging bansa saAsya ang may pinakamababang bilang ng taon sa Basic Education. Suportado ang programang ito ng ilang sektor tulad ng mga nasanegosyo. Sa ganitong paraan diumano ay maari ng makapagtrabaho ang mga Pilipino kahit high school lang ang tinapos.Napakalaki ng problema ng bansa pagdating sa edukasyon. Sa mga pampublikong paaralan pa lamang ay masyadong siksikan sa mgasilid. Bukod sa walang maayos na bentilador ay hindi na rin matutukan ng maayos ng mga guro ang kanilang mga estudyante sa sobrangdami. Ganito ang sitwasyon sa Metro Manila.

Naiiba naman ang kwento pagdating sa mga malalayong lugar sa bansa. Naririyan ang mga estudyante na maraming oras ang ginugugolsa paglalakad ng ilang milyang layo makarating lang sa paaralan. Mas malala pa sa iba, dahil tumatawid pa sa ilog at peligro ang inaabottuwing umuulan dahil sa rumaragasang baha. Mayroon ding dagat pa ang nilalangoy. Ganito kahirap ang dinaranas nila para langmakapagtapos sa elementarya at high school. Kung mahina-hina ang loob ay napipilitan na lang silang tumigil. Ayon na rin mismo saKagawaran ng Edukasyon ay malaki rin ang kakulangan ng mga silid, aklat at guro sa bansa. Sa kabila ng maraming tapos at lisensyadongguro ay may kakulangan pa rin. Inirereklamo rin nila ang mababang pasahod sa mga guro. Taon-taon rin ay naglilimbag ng aklat perokinakapos pa rin. Ang matagal ng problemang ito ng bansa ay matagal ng pinagpasa-pasahan ng ilang nagdaang administrasyon.

Sa pagpapasimula ng Pamahalaang Aquino sa K+12 program na ito ay mistulang dinadagdagan lang ang problema sa edukasyon ngbansa. Napakaganda ng layunin nito pero tulad ng ibang programa ay hindi naman naaangkop ang pagpapatupad nito. Bakit kaya hindimuna unahin ang mga kasalukuyang pagkukulang ng pamahalaan sa kasalukuyang suliranin. Kumpletuhin ang mga kulang na silidpaaralan. Magbigay ng mga aklat na tama ang nilalamang impormasyon. Magdagdag pa ng mga guro at dagdagan ang kanilang sahod atbenipisyo.

Hindi dapat gumaya ang Pilipinas sa ibang bansa na dinagdagan ang bilang ng taon sa pag-aaral upang tumaas lang ang kalidad ngedukasyon. Hindi nasusukat sa dami ng taong pinasok sa eskwelahan ang katalinuhan ng tao. Kaya namang matutunan ng mga Pilipinoang dapat na matutunan sa kasalukuyang umiiral na sistema. Ang katunayan dito ay ang mataas na kalidad ng edukasyon sa mgapribadong paaralan. Dahil ito ay suportado ng mga kagamitan at tamang pagtutok sa pag-aaral ng mga bata ng kanilang magulang. Maymga nananalo pa ngang estudyanteng Pilipino sa mga patimpalak sa ibang bansa.

Kung dadagdagan ng taon ang pag-aaral ay malulunasan ba nito ang kahirapan? Mababawasan kaya nito ang mga drop out? Kung sangayong sistema pa nga lang ay marami na ang drop out ay paano na kaya kapag tuluyan ng ipinatupad ito. Kahit sabihin pang libre angpag-aaral sa mga pampublikong paaralan ay gumagastos pa rin ang mga magulang sa mga pang-araw-araw na baon ng mga bata. Ibigsabihin nito kapag dinagdagan ng taon ay panibagong dalawang taon din ang dagdag pahirap sa mga magulang. Ang sinasabing para makapagtrabaho na kahit high school lang ang tinapos ay hindi rin totoo. Sa kasalukuyan, kahit may mga tinapos sa kolehiyo ay hirapmakahanap ng trabaho. Karamihan dito ay mga nagsipagtapos ng Nursing.

Bakit hindi baguhin ng pamahalaan ang paglunas sa problemang pang-edukasyon ng Pilipinas. Halimbawa nito ay ang malawakangpagpapatupad ng distant learning sa mga malalayong lugar. Nandiyan na ang teknolohiya ng Internet. Maaring sa halip na araw-araw napasakit sa pagpasok sa eskwelahan ay gawing lingguhan na lang. Pwede ring gamitin ang telebisyon sa pamamagitan ng paggawa ngmga educational channel na panonoorin ng mga bata na kasabay ng turo sa aktwal na panahon sa paaralan. Marami pang alternatibongparaan ang naghihintay na linangin para makatulong sa pag angat ng edukasyon ng Pilipinas. Nagagamit na ito sa ibang bansa.

Ang K+12 ay hindi sagot sa suliranin ng bansa pagdating sa edukasyon. Ito ay dagdag problema at walang malinaw na direksyon at hindinapapanahon. Huwag na sanang gawing mas komplikado ang problemang ito sa pamamagitan ng isang solusyong sa huli ay magigingdagdag pa pala sa suliranin.

Mula sa HinagapNiKaUre.blogspot.com

Ang kaalaman sa paghawak ng pera ay isa sa mga batayang kasanayan upang maayos na makapamuhay sa makabagong panahon. Ang paksang personal na pananalapi ay nakabuo na ng mga batayang kaalaman na dapat ituro sa mga mag-aaral na nais magaral nito. Bagamat pwede kang matuto ng personal na pananalapi sa pamamagitan ng pananaliksik sa Internet, dapat nating siguruhin na lahat ng Pilipinong mag-aaral ay nabibiyayaan ng ganitong kaalaman. Kaya naman nais kong ipanukala na isama ang tamang paghawak ng pera sa ating pangkalahatang kurikulum ng edukasyon.

Tayo ay naghahangad ng masaganang pamumuhay para sa ating mga pamilyang Pilipino. Upang matupad ang ganitong adhikain, kinakailangan ang masusing paghawak sa pananalapi ng pamilya. May mga prinsipyo at pamamaraan na pwedeng magamit upang makatiyak na ang ating mga pamilya ay hindi malalagay sa alanganin sa larangan ng pananalapi. Maiiwasan ang pangungutang at kung anu-ano pang panandaliang remedyo kung ang paggamit ng pamilya ng pera ay pinaplano. Ang kaalaman tungkol sa personal na pananalapi ay lubhang makatutulong kung paano mapapabuti ng ating mga pamilya ang paghawak ng pera.

Kasama sa mga aralin sa personal na pananalapi ang pagtatakda ng kung magkanong halaga ang nais mong makamit sa loob ng isang takdang panahon. Kalakip nito ay ang mga napiling pamamaraan kung paano makakamit ang layuning ito. Nais nating himukin ang ating kabataan na mangahas na mangarap ng isang magandang kinabukasan para sa kanyang sarili at sa kanyang magiging pamilya sa araw ng bukas. Ang adhikaing ito ay posibleng mapukaw kung maipakikita ang mga posibilidad na pwedeng mangyari kung ang isang tao ay magsusumikap. Ang pag-aaral hinggil sa personal na pananalapi ay pwedeng magsilbing punla upang magkaroon ng ganitong kamalayan.

Sa pagmamasid natin sa ating pamayanan ay mapapansin natin ang marami sa ating katandaan na naghihikahos. Sila marahil ay nagkamal ng malaking halaga noong kanilang kabataan ngunit sa kanilang pagtanda ay nabaon na sa kahirapan. Ito ay tanda ng kawalan ng sistematikong pagpapaunlad sa kanilang kabuhayan. Malaki ang maitutulong ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera upang maiwasan ang masadlak sa ganitong kalagayan. Tuldokan na natin ang kawalan ng tamang gabay na pananalapi na siyang sanhi ng kahirapan ng ating katandaan. Turuan na natin ang ating kabataan sa wastong pamamaraan sa paghawak ng pera.

Talamak pa rin ang kahirapan sa ating bansa. Isa sa mga dahilan ng ganitong kalagayan ang kakulangan ng kaalaman sa paghawak ng pera. Marami tayong maling kaisipan na dapat lang na ituwid kung gusto nating maiwasan ang kahirapan. Kailangan nating patatagin ang personal na disiplina upang makamit natin ang masaganang pamumuhay. Kinakailangan na gamitin natin ang ibat-ibang pamamaraang pang pinansiyal upang hindi tayo masadlak sa kahirapan. Siguraduhin natin na ang ating mga mag-aaral ay nabibigyan ng tamang kaalaman tungkol sa pananalapi. Paramihin natin ang mga mamamayang naiaangat mula sa pagiging mahirap sa pamamagitan ng kaukulang edukasyon.

Makabuluhan at nararapat na idagdag sa pangkalahatang kurikulum na pang edukasyon ang mga aralin tungkol sa personal na pananalapi. Tulungan natin na mapaunlad ang pamumuhay ng mga kapwa Pilipino at mabawasan ang kahirapan sa ating bansa. Makibahagi tayo sa mga nagsusulong na isama ang mga aralin sa personal na pananalapi sa mga pinag-aaralan sa mababa, mataas, at kolehiyong antas ng edukasyon. Sama-sama nating ipahatid sa mga kinauukulan sa Kagawaran ng Edukasyon at maging sa ating mga mambabatas sa Kongreso ang pangangailangan na maipatupad ang panukalang ito.

Mula sa Hayzkul.blogspot.com

Tinamnan ng binhi. Kung ang lupa ay alaga sa pataba, higit ding lulusog ang binhing tumutubo rito. Tutubuan ito ng malala-king ugat na hindi mabubuwag ang pagkakakapit sa lupa. Magkakaroon ito ng matibay na pundasyon at hindi mabilang na mga sanga kung saan tutubo ang malalago nitong dahon at ang malalaki nitong bunga. Ang binhing aking tinutukoy ay ang kabataan. Ang kanilang kinabukasan ay nakasalalay sa kanilang edukasyon. Sa tulong ng mga magulang, mga kaibigan at lalung-lalo na ng mga guro, lumalago ang kanilang kaalaman sa iba’t ibang larangan. Ang mga natutununan ay makatutulong sa kanila hanggang sa kanilang pagtanda. Ang kailangan lang gawin ng kabataan ay buong pusong tanggapin ito sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti at pagsasabuhay nito. Kung lubos na maiintindihan ng bawat mag-aaral ang tunay na kahalagahan ng edukasyon, maiiwasan sana ang mga karaniwang suliraning hinaharap ng kabataan ngayon gaya ng hindi planadong pagkabuntis, maagang pag-aasawa at pagtigil sa pag-aaral. Ang edukasyon ay isang bagay na hinding-hindi maaagaw ninuman. Ito ay kailangan upang maisakatuparan ang pangarap ng isang bata. Sa pamamagitan nito, siya ay nahuhubog upang magkaroon ng matatag na pundasyon nang sa gayon ay hindi ito manghina ni masira sa pagharap nito sa mga pagsubok at suliranin ng buhay. Sa pamamagitan din ng edukasyon, lumalago ang karunungan ng bata at hindi lamang limitado sa akademiko. Ito rin ay nagiging daan upang ang isang bata ay makapulot ng gintong aral na tatatak sa kanyang buhay. Kung magagamit ng isang bata ang kanyang karunungan nang wasto at lubos, siya ay magiging isang mahalagang bahagi ng kanyang pamilya, ng kanyang lipunan at ng inang bayan. Isa sa magandang proyekto ni Jose Rizal ay ang pagpapatayo ng paaralan dahil naniniwala siya na sa sa pamamagitan ng edukasyon, ito ang magiging daan sa mga kabataan na maiangat sila para sa mas mabuting kinabukasan sapagkat kung may pinag-aralan mas makakahanap ng mas magandang trabaho na tulay rin tungo sa matiwasay at pagkakaroon ng magandang kinabukasan. Di nga ba’t ang mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan? Kaya dapat lang na magkaroon ng tama at angkop na edukasyon para naman ang pangarap ng ating mga ninuno na mabuting kinabukasan para sa bayan ay makamtan.

Mula sa JohnLloydQuijano.wordpress.com

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na Edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo na isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na Edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga unibersidad at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na Edukasyon, ang praktikal na Edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya paring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang Edukasyon kung ito ay may pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay na maayos. Ang Edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap na isang bansa. Kung wala ito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng Edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang Edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin. Ang unang layunin ng Edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humubog sa isipan at damdamin at pakikipagsalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran. Ang Edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ay nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdaig at malaman ang mga layunin nito.

Sanaysay ni Dian Joe Jurilla Mantiles

Tunay ngang ang edukasyon sa buhay ng bawat isa ay kapara ng isang walang katapusang paglalakbay sa mundong sinasaklawan ng aspektong ‘pagbabago’. Ito ang pinaka-makapangyarihang sandata na kahit sinuman ay walang kakayahang baguhin at angkinin sapagkat ito ay permanenteng nakaukit na sa diwa at kamalayang pantao ng isang nabubuhay. Sa bawat umaga ng ating buhay, tayo ay binabasbasan ng Poong Lumikha ng kalayaan upang makaanib at makasabay sa kung ano mang kakatwa ang sumasaklaw sa ating lipunang kinabibilangan. Hindi man lingid sa ating kamalayan subalit buhat nang tayo ay nasa sinapupunan pa lamang ay batid na natin ang espiritu ng ‘pagkatuto’. Maging sa kauna-unahang pagsambit natin ng salitang “mama” hanggang sa tayo ay unti-unting nabihasa sa ating “abakada” tayo ay nabibilang na pundasyon ng edukasyon. Karaniwang pamantayan sa edukasyon na kung ang tao ay nasa gulang tatlo na ay maari na itong magsimulang pumasok sa isang paaralan. Sa makatuwid, mahabang panahon ang iginugugol ng isang tao para sa kanyang edukasyon.

Sa aking labindalawang taon na pananatili sa loob ng paaralan, masasabi kong ako ay parang nasa isang paraiso. Bagamat hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ako, maraming pagkakataon naman sa aking buhay ang nagpapaunawa sa akin na ang edukasyon ay patuloy na umaangkla sa aking pagkatao at maging sa aking kalapit na hinaharap. Ito rin ay patuloy na nag-iiwan ng hindi mga matatawarang implikasyon ng pagbabago sa aking pagkatao na siyang dahilan kung bakit ganito ako katatag ngayon. Bukod sa mga karaniwang talakayin, prinsipyo at pang-akademikong layunin na siyang ipinapabatid ng edukasyon, ito rin ang nagsilbing balangkas upang mabuksan ko pa ang lagusan sa kabilang ibayo. Mula dito ay binigyan din ako ng pagkakataon upang makakilala ng iba’t ibang deskripsyon ng aking kapwa tao at mga karanasang aking daldalhin habambuhay. Ito ay ang aking karanasan noong ako ay nasa ika-4 na baitang. Ang karanasan na marahil para sa akin ay mapanglaw at natatangi lamang.

Isa akong walang kwentang mag-aaral. Oo, tama ang nababasa mo. Wala akong ibang inisip noon kundi ang makawala sa paaralan na kapara ng isang bartolina sa akin ay nagbibigay lamang ng pasakit at matinding paghihirap. Ang tanging namumutawi na lamang sa aking isipan noon ay ang pagpasok buhat sa kagustuhan ng aking mga magulang. Naaalala ko pa noon na sa tuwing darating ang katapusan ng Marso ay wala akong ibang ginawa kung hindi ay panoorin na lamang ang aking mga kaklaseng maglakad sa harapan ng entablado kasama ng kanilang mga magulang upang tanggapin ang kanilang mga parangal. Gustuhin ko mang itago ang aking nararamdaman, subalit ito ay pilit na kumakawala at ako ay tila isang ibon na sa piitan ay nananahanan. Hindi man hayag sa aking mga magulang ang kanilang pangingimbulo subalit nararamdaman ko ito. Pinipilit ko itong labanan subalit wala akong magawa. Napakalakas ng enerhiyang ito at siya ring enerhiya ang unti-unting sumisipsip sa aking pag-asang makapagbagong buhay. “Bakit kahit na anong gawin ko ay wala pa ring nangyayari?” ito ang katanungan na patuloy na sumisilab sa aking mura at gahasang isipan.

Sinusubukan ko ang lahat ng aking makakaya. Sinubukan kong magsipag at umayon sa kung ano ang pamantayan sa aming klase. Lahat ng ito ay hindi naging madali sa akin. Sapagkat noo’y wala pa akong kabatiran patungkol sa mahalagang papel ng edukasyon sa aking magiging kinabukasan. Wala pa akong alam sa edukasyon maliban sa ito ay “mahirap at walang kwenta”. Nagdaan ang maikling panahon at dito ay nakilala ko si Ginang Adora Madayag. Ang aming guro sa asignaturang Filipino. Siya ay may edad na sa panahong iyon subalit napakalakas ng kanyang impresyong iniwan sa akin. Hindi ko maipaliwanag subalit dahil sa kanyang mga pangaral ay tila unti-unting nagbago ang pagtingin ko sa aking sarili na noo’y walang pakialam sa halaga ng edukasyon. Sa kanya ko rin natutuhan na hindi lamang pala akademikong kaalaman ang batid na ipamalita ng mga talakayin sa paaralan bagkus ay naglalayon din itong bigyan ang lahat ng pagkakataong makabuo ng pagkakaibigan at pamilya sa lahat ng aspektong sinasaklawan nito. Hindi lang dapat kaalaman ang ating panghawakan mula sa ating mga guro nararapat ding maunawaan natin ang tunay na karunungan mula dito. Sa markang “90” ako nagsimulang yumabong at nagpatuloy sa pagkamit ng aking mga adhikain sa paaralan. Hanggang ngayon sa kasalukuyan, patuloy pa rin akong naglalakbay papalapit sa aking mga pangarap sa buhay.

Ang karanasang ito ang nagturo sa akin kung paano umunlad hindi lamang sa aking mga markang nais matamo subalit nakaanib na rin dito ang mga prinsipyo at impresyong hindi na maiaalis sa aking puso’t isipan sa kalagitnaan ng aking paglalakbay sa mundong ibabaw. Nawa’y lubusan nating mabatid na sa ibayo ng mga pamantayang sumasaklaw sa kultura ng edukasyon, ang layon nitong magbigay ng magaganda at makabuluhang karanasan ang magsisilbing proteksyon at sandata natin sa pakikidigma sa ating mga sarili at sa kung ano mang pagbabagong nakaukit na sa ating panahon.

SEE ALSO: Mga Sanaysay Tungkol sa Kahirapan

Umaasa kami na ang mga halimbawa ng sanaysay tungkol sa edukasyon na iyong nabasa ay may positibong naidulot sa iyo. Maari mo din itong ibahagi sa iba upang maging sila man ay matuto. Maraming salamat!

You May Also Like

  • Kung bakit dinadagit ng Lawin ang mga Sisiw
  • Maikling Kwento Tungkol sa Pamilya (22 Kwento)
  • Ang Engkantada ng Makulot
  • Ang Madaldal na Pagong
  • Ang Matalik na Magkaibigan
  • X (Twitter)
  • More Networks
  • Breakfast To Business

New Normal Education through the eyes of Filipino learners

By Althea Kalalo ,

Nobel Peace Prize laureate Malala Yousafzai once said, “One child, one teacher, one book, and one pen can change the world.” Her words put emphasis on the power of education, and paint a picture of its importance in society.

This is why the Department of Education (DepEd) and its education stakeholders and partners pushed for learning continuity despite the challenges presented by the ongoing pandemic, resulting in the creation of various alternative learning modalities.

As education goes beyond the four walls of the classroom, it is important to see how these alternative ways of learning are working from the perspective of learners themselves. Students Prince, Marc, Emelaica, and Karlo, who are of different ages and school levels, shared their experiences during the first few weeks of classes — from how they now learn to what keeps them going during this challenging time.

Making the dream of fighting for justice come true

Prince is a grade 6 student at Nomoh Integrated School, Sarangani who is currently undergoing modular learning. While he knows that this set-up takes quite some time to adjust to, he is thankful that he can overcome such challenges in learning through the help of his family and proper research.

“Supportive po ang aking mga magulang sa pag-aaral ko. Kahit na nasa bahay lang sila, ginagabayan nila ako at tinuturuan kung ano ang aking kailangang gawin. Minsan, si kuya naman ang tumutulong sa akin sa modules,” Prince said.

(My parents are supportive of my studies. Even if they’re just at home, they guide me and teach me what I have to do for school. Sometimes, it is my older brother who helps me with my modules.)

edukasyon ngayong new normal essay

At times when Prince has queries on his modules, his mom would take him to a highway near the beach to get a stable reception to research information and download related videos online. They will then watch these materials at home This is only one of the ways Prince’s mom helps him, and one of the many reasons he feels fortunate to still be studying.

With his perseverance and hard work, Price is hopeful that he will be able to achieve his dream of becoming a lawyer in the future, so he can help others achieve the justice that they deserve. This dream is also part of why he believes education should continue amid the pandemic.

“ Kailangan talagang ipagpatuloy ang pag-aaral kahit may pandemic upang hindi masayang ang isang taon sa ating buhay at patuloy pa rin tayong matuto kahit nasa bahay lang. Mahalaga ang edukasyon sa ating buhay para magkaroon tayo ng magandang buhay sa hinaharap,” Prince shared.

(We need to continue studying despite the pandemic so an entire year won’t go to waste, and that we continue learning even at home. Education is important in our lives and will help us have a good life in the future.)

Learner of today, engineer of tomorrow

Marc is a grade 6 student at Malagasang II Elementary School, Imus City. He is currently enrolled under the online synchronous learning modality. Although Marc admits that he misses the face-to-face learning set-up, online learning still helps him see his classmates and teachers.

“I am always excited for our online class because of my teachers who are very patient and knowledgeable as they teach us our lessons. I am also happy that I get to see my classmates as we learn new lessons everyday,” Marc said.

edukasyon ngayong new normal essay

Marc also talked about the important role that his family plays in distance learning. Even though his parents are both busy with work, his mom makes it a point to guide him with his lessons and assignments everyday. Marc also has an older brother that he can rely on for help.

Though the school year may sometimes get tough because of New Normal Education, Marc believes that learning should not stop. He hopes to continue studying until everything goes back to normal again.

“Once I finish my studies, I want to become an engineer. Education will be my weapon for this ambition. [I know that this] pandemic will not hinder me from studying. Instead, I will study even harder so that my parents and teachers will be proud of me,” Marc said.

Molding the minds of education’s future frontliners

Fourteen-year-old Emelaica lives by the mountainous side of Sarangani province. She is a grade 8 student from Kisoy Extension School of Datal Anggas Integrated School.

The global pandemic is one of Emelaica’s biggest worries at the moment. However, one thing that helps ease her worries is studying, as she finds it to be fun even if she must do so at home. “I enjoy answering my modules, learning with my friends, and having the guidance of my parents,” she said.

edukasyon ngayong new normal essay

Even though Emelaica’s parents do not know how to read or write, they find hope in the fact that Emelaica is persevering as a student. According to her parents, Emelaica’s perseverance is the reason why they are supportive of learning continuity.

“I want to say thank you to my parents for supporting me with my studies. Even when there is a pandemic, they are the reason why I want to finish my studies,” she shared.

Emelaica admits that the learning situation in far-flung areas is more difficult than in other areas where connectivity is more accessible. This is why she wants to study — so that she can help herself and her family, make her parents proud, and eventually become a teacher to the young children in sitio Kisoy.

Karlo, an 18-year-old learner under the Alternative Learning System (ALS) shares the same dream. Karlo dropped out of school a few years ago. When he and his mom found out about ALS last year, he enrolled under the system because he wanted to catch up with his former classmates, and hopefully become their classmate again.

“Palaging enjoyable ang ALS kasi marami kang natututunan. Gusto ko din yung instructor namin kasi marami siyang nakwekwento tungkol sa mga bagay-bagay at tungkol sa ALS,” he shared.

(ALS is always enjoyable because you learn a lot. I also like our instructor because he shares stories about different things and about ALS.)

edukasyon ngayong new normal essay

Karlo encourages his fellow learners to continue their studies because it can be greatly beneficial, even in these trying times. Once he becomes an ALS passer, he plans to study Education and become a teacher someday.

Despite the challenges that this school year’s new normal poses, children across the country show willingness and excitement in continuing their education. With safety and learning continuity in mind, DepEd, the academic community, parents,and the local government units continue to work together to make sure every child’s right to learning is fulfilled.

This story was first published on the  Manila Times’ Campus Press . 

Source: The Red Circle

Latest News

youtube advertising cost philippines

What are the Youtube Advertising Costs in the Philippines?

TV used to play a huge part in every family. Before, families gathered around their televisions like clockwork—couches arranged together,…

How to Do Gen Z Marketing in the Philippines

How to Do Gen Z Marketing in the Philippines

Hey besties! Are you ready to hear all the tea about Gen Z marketing? Ngl this one’s finna hit different,…

best selling products in the philippines

What are the Best Selling Products in the Philippines?

The Philippine market is as diverse as its seven thousand islands. Every region has a different culture, every culture has…

We use cookies to ensure you get the best experience on TeamAsia.com. By continuing to browse our site, you are agreeing to our use of cookies. Read more on our Privacy Policy here .

edukasyon ngayong new normal essay

Los Baños Times

Serving los baños and nearby communities since 1983.

Los Baños Times

Kwentong Distance Learning: Mga Tinig ng Estudyante, Magulang, at Guro

Isinulat nina: Raizza Acuzar, Eunice Algar, at Mark Mercene

Noong nagsimulang kumalat ang pandemya noong isang taon, ang pagpasok sa paaralan ng mga estudyante ang unang kinansela ng ating pamahalaan upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan. Ngunit ang hindi inaasahan ng karamihan ay matatapos ang taunang 2019-2020 ng maaga, at walang mga pagsusulit na. Ngayon, humigit isang taon ang nakalipas na, at nagbukas na nga din ang mga paaralan para sa mga mag-aaral sa panibagong pamamaraan para sa kanilang kapakanan. Alamin natin ang samu't saring kwento mula sa iba't ibang pananaw ng mga mamamayan na kalahok sa sektor ng edukasyon.

Noong nagsimulang kumalat ang pandemya noong isang taon, ang pagpasok sa paaralan ng mga estudyante ang unang kinansela ng ating pamahalaan upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan. Ngunit ang hindi inaasahan ng karamihan ay matatapos ang taunang 2019-2020 ng maaga, at walang mga pagsusulit na. Ngayon, humigit isang taon ang nakalipas na, at nagbukas na nga din ang mga paaralan para sa mga mag-aaral sa panibagong pamamaraan para sa kanilang kapakanan. Alamin natin ang samu’t saring kwento mula sa iba’t ibang pananaw ng mga mamamayan na kalahok sa sektor ng edukasyon.

Isa sa mga sektor na lubos na naapektuhan ng pandemya ay ang edukasyon. Dahil sa banta na dulot ng Coronavirus, napilitan ang mga paaralan sa buong bansa na magsara at lumipat mula sa on-campus face to face learning patungo sa distance learning. Ngunit, hindi ito naging madali para sa lahat, lalo na sa mga estudyante, magulang, at guro. 

edukasyon ngayong new normal essay

EDUKASYON SA GITNA NG PANDEMYA. Ang distance learning tulad sa pamamagitan ng modyular o online class ang humalili sa nakasanayang face-to-face learning upang mapagpatuloy ang pag-aaral ngayong new normal.

Naglabas ng opisyal na pahayag ang Department of Education (DepEd) tungkol sa Learning Continuity Plan o ang “bagong normal” na ipinakita sa mga guro at estudyante noong ika-5 ng Mayo 2020. Samantalang para sa mga kolehiyo, naglabas din ang Commission on Higher Education (CHED) ng Memo No. 04, series 2020, “Guidelines on the Implementation of Flexible Learning.” Sa mga polisiyang ito, binigyang pansin ang mga alternatibong paraan upang ipagpatuloy ang edukasyon sa new normal. 

Kasabay ng pagpapatupad ng mga ito ay ang pag-usbong ng iba’t ibang hamon para sa mga estudyante, magulang, at guro. Kinakailangan nilang mag-adapt sa mga bagong paraan upang makasabay sa new normal, at ito ang mga kwento nilang kailangan marinig. 

M ula sa mga Estudyante

Sa usapang distance learning, ang mga estudyante ang higit na nakakaalam kung ano ba ang realidad sa loob ng sistema na ito. Sila ang pinakasentro ng implementasyon na humaharap sa pagbabagong dala nito sa sektor ng edukasyon. Nararapat din na malaman na ang bawat estudyante mula sa iba’t ibang katayuan at kalagayan sa buhay ay may mga sarili at naiibang kwento na nararapat mapakinggan.

Isa sa mga estudyante na ito ay ang 19 taong gulang na si Burek, mula sa Brgy.Mayondon na kasalukuyang nasa Senior High School at kumukuha ng General Academic Strand sa Colegio de Los Baños. Isa sa mga pagsubok na kinakaharap niya sa distance learning ay sa tuwing may pagkakataon na hindi niya maintindihan kung paano gagawin ang ibang mga assessment sa kanyang mga modules kaya’t hindi niya na lang ito sinasagutan. Ngunit ayon sa kanya, kahit nahihirapan siya ay kakayanin niya para sa kanyang mga pangarap.

Sa pagtaas ng mga kaso ng COVID 19 sa bansa ay naniniwala si Burek na okay lang na ipagpatuloy ang distance learning. Ngunit hiling niya na nawa’y mabawasan ang mga pinapagawa sa kanila, at sa pagdating ng panahon na umayos na ang sitwasyon, ay makabalik na sila sa face to face setup dahil sa tingin niya ay magiging mas madali ito para sa mga estudyante.

Ganito rin ang nais ni Coleen Paner, 21 taong gulang, mula rin sa Brgy. Mayondon, at kasalukuyang kumukuha ng kursong BS Agribusiness Management and Entrepreneurship sa University of the Philippines Los Baños at isa rin sa mga estudyante na nasa distance learning.

Ilan sa mga hamon na kinakaharap ni Coleen ngayon sa pag-aaral ay ang mahinang internet connection na kadalasan niyang hinaharap kapag kinakailangan niyang pumasok sa mga synchronous online classes na nakakadagdag sa kanyang anxiety. Nagiging pagsubok din sa kanya ang time management at pagkakaroon ng short attention span na dahilan kung bakit nahihirapan siya magpokus sa mga gawain.

Hindi rin maitanggi ni Coleen na mahirap talaga ang kakulangan ng personal space sa bahay. Hindi niya alam kung saan siya maaaring lumugar para makapag-aral habang pumapasok sa mga klase. Idagdag pa rito ang hindi maiiwasang ingay sa paligid na nakakagambala rin sa kanyang pag-aaral.

“At some points, siguro oo. Seryoso rin naman kasi ako sa pag-aaral kaya sineseryoso ko kapag may kailangan talaga intindihin or i-absorb pero may times talaga na kahit anong pakinig ko sa synch class di ko talaga siya magets,” ayon kay Coleen nang tinanong siya patungkol sa pagiging epektibo ng distance learning.

Isinaad din ni Coleen na nagbibigay naman ng tulong ang kanyang paaralan upang masolusyonan ang mga problema niya katulad ng mga seminar tungkol sa time management. Gayunpaman ay hindi naman siya makadalo at kung dumalo man siya, hindi siya nakakatiyak kung ito ba ay may epekto sa kanya. Kung kaya’t para sa kanya ay hindi na niya kakayanin pa ang posibilidad na distance learning muli ang ipapatupad sa susunod na academic year.

Higit na sinasamo ni Coleen na mas mabigyan ng pansin ang mga estudyante na naghihikahos ngayon sa buhay. Sa tingin niya ay mas mahirap ang dinadanas ng mga ito dahil na rin sa kahirapan na humahadlang upang makasabay sila sa klase pati na rin sa mga kailangan dito katulad ng mga gadget at iba pa.

Hiling din niya na nawa’y mas pabilisin at isaayos ng gobyerno ang vaccination program nito sa bansa nang sa ganon ay maisulong na ang ligtas na balik eskwela. Para naman sa mga guro ay umaasa siya na nawa’y maintindihan nila ang sitwasyon ng mga estudyante, at mas pagaanin ang mga requirements. Alam niya rin na nahihirapan din ang mga guro sa sitwasyon ngayon kung kaya’t sa tingin niya ay kinakailangan talaga ng pag-unawa at kooperasyon ng bawat isa upang makaahon ang lahat.

Mula sa mga Magulang

Sa panahon kung saan ang tahanan ang nagsisilbing paaralan, hindi maikakaila na ang mga magulang din ay naaapektuhan ng bagong sistema ng edukasyon at iba’t ibang pagsubok at karanasan ang kanila ring hinaharap. 

Isa na rito si Gng. Ana, 42, mula sa Brgy. Batong Malake, na may dalawang anak na kasalukuyang sumasailalim pareho sa online classes. Ang panganay na anak niya ay nasa kolehiyo at nag-aaral ng kursong BS Agribusiness Management and Entrepreneurship at ang isa naman ay nasa ika-limang baitang sa elementarya. 

Malaking tulong ang panganay na anak ni Gng. Ana ngayong distance learning dahil siya ang nag-aasikaso sa nakababatang kapatid nito, lalo na sa mga lesson na hindi na kaya pang maituro ng ginang. Aniya, ang mga activity ngayong distance learning ay nangangailangan minsan ng partisipasyon ng mga tao sa bahay. 

“Noon ay kakaunti lang ang activities na kailangan ng partisipasyon ng magulang o guardian kumpara nitong nagstart ang online class,” dagdag niya. 

Para kay Gng. Ana, ang distance learning ay hindi niya maikokonsiderang epektibo sapagkat “iba pa rin na may kasamang guro at kaklase lalo na kapag bata pa lamang,” saad niya. 

Sa usapin naman ukol sa posibilidad na distance learning muli ang ipatutupad sa susunod na taon, batid ng ginang na kailangan muna sundin ang kautusang ito sapagkat tayo ay nasa gitna pa rin ng pandemya. Subalit, hiling din ni Gng. Ana na makabalik na sa face-to-face setup sa lalong madaling panahon. 

Ganito rin ang agam-agam ng 47 na taong gulang na si Gng. Merly, hindi niya tunay na pangalan, mula sa Bae, tungkol sa posibilidad ng distance learning sa susunod na taon. Para sa kanya, wala namang ibang paraan kundi tanggapin ang kasalukuyang sistema kaysa naman magkasakit dahil sa pandemyang ito. 

Si Gng. Merly ay isang ina ng tatlong estudyante na lahat din ay nagpapatuloy ng kanilang pag-aaral gamit ang mga online class ngayong distance learning. Isa rito ay nasa kolehiyo na kumukuha ng kursong BS Biology at ang dalawa naman ay nasa ika-walo at ikasampung baitang sa sekondarya. 

Para naman sa kanya, bilang araw-araw nasa bahay ang mga anak niya, kailangan maglaan ng ekstrang budget para sa kanilang pagkain. Dagdag din niya ang na madalas ang pagpapa-alala niya na laging maglinis ang kanyang mga anak sa kani-kanilang mga lugar.

Kumpara kay Gng. Ana, epektibo naman para kay Gng. Merly ang distance learning sa kadahilanang wala na rin namang iba pang paraan upang matuloy ang edukasyon ngayon. Ngunit, mas gusto rin niya ang face to face learning dahil marami raw mae-experience pag physical learning dahil sa school ang setup mismo. 

Sa tanong kung ano ang nais niyang mabago sa kasalukuyang setup, “more interaction sa ibang tao o kaklase kahit online setup; ways para ma separate ng kids ang acads sa e-games nila [dahil] minsan kasi mas madaming times sa games kesa acads,” aniya ng ginang. 

Ang mga katagang ang paaralan ang nagsisilbing pangalawang tahanan ay tila matagal pa ulit mabibigyang kahulugan. Sa panahon ng pandemya, ang papel ng mga magulang ay mas lumawak at higit din na hinahamon ng panahon. Ano pa man ang sitwasyon, tunay ngang nagsisilbi sila sa kanilang mga anak bilang taga-bigay ng suporta, alaga, at lalong lalo na ang pagiging guro. 

Mula sa mga Guro

Bukod sa mga estudyante at magulang ay lubos na naapektuhan ang mga tumatayong pangalawang magulang sa mga eskwelahan, ang mga guro. Isa rito si Ma’am Marie, 23, isang guro na nagtuturo sa online-learning set-up mula sa probinsya. 

Aminado si Ma’am Marie na “mahirap at nakakapagod” ang kanyang karanasan at hanggang ngayon  ay nag-aadjust pa rin siya sa bagong paraan ng pagtuturo. Ayon kay Ma’am Marie, maraming estudyante sa kanyang klase ang hindi talaga kayang makapasok nang tuloy-tuloy. 

“Doble ang ginagawa kong teaching materials ngayon, para ma-cater lahat ng students hangga’t maaari depende sa kung anong accessible resources sa kanila”, saad niya.

Para sa kanya ay may kahirapan din ang pag-tsek sa kalagayan ng mga estudyante, kaya gumagamit siya ng iba’t ibang paraan tulad ng text message, call, facebook and messenger. Naibahagi rin niya na kilala niya na lamang ang mga estudyante sa pangalan at profile picture ng mga ito sa facebook. 

Ayon pa kay Ma’am Marie, mas mababa ang bilang ng pumapasok ngayon kumpara noong face-to-face. “Noong f2f, kapag nasa school sila, students lang sila. Ngayon, nasa bahay sila nag-aaral, students na sila at kapatid/anak/parents pa sila. Syempre madalas inuuna nila yung responsibilities nila sa bahay compared sa responsibilities nila as students,” pagpapatunay niya.

Tulad ni Ma’am Marie, ganito rin ang nararanasan at pakiramdam ni Sir Vren, 23, isang guro mula sa Barangay Batong Malake. Para kay Sir Vren, mahirap ang naging paraan ng pagtuturo ngayon sapagkat ito ay online at hindi naman lahat ng estudyante ay may koneksyon at kagamitan. Isinaad din niya na mayroong mga pagkakataon na nauubusan siya ng bagong ideya kung paano maituturo ang isang paksa lalo na at nasanay siya sa tradisyunal na pagtuturo. 

Aniya ay, “iba pa rin talaga yung pakiramdam na face-to-face kasi mas namomonitor mo ang iyong mga estudyante, mas madali kang makaka-connect sa kanila, at mas madali ka ring makakakuha ng ideya mula sa kanila.” Dagdag pa niya, ibinibigay niya ang kanyang “best effort” sa pagtuturo kaya naman nakakapanghinayang kapag marami ang hindi nakapagpasa ng mga outputs. 

Matatandaan na noong ika-22 ng Mayo ay nagalabas ng pahayag si CHED chairman Prospero de Vera kung saan binanggit niya na  “From now on, flexible learning will be the norm. There is no going back to the traditional, full-packed face-to-face classrooms.”

Para kay Ma’am Marie, ang naging pahayag ay nakakalungkot at nakakagalit. Ayon sa kanya ay “disconnected sila sa mga nasa ibaba”. Dagdag pa rito, hindi lahat ay handa para dito, estudyante man o mga guro.  Si Sir Vren naman ay ibinahagi ang paniniwala na ang online learning ay hindi sapat upang matutunan ng estudyante ang mga life skill na kailangan.

Nang tanungin naman kung anong masasabi nila sa kasalukuyang online/distance learning set-up,  “Sa mga students, tandaan nila kung para kanino o saan sila nag-aaral” at “sa mga kapwa ko guro, alam kong nahihirapan tayo. Pero kung mahirap para sa’tin ‘to, doble ang hirap nito for students, kaunting konsiderasyon at pang-unawa sana para sa kanila.”, sambit ni Ma’am Marie.

“Huwag tayong manawa na mag-abot ng tulong sa isa’t isa kahit na gaano kaliit o kalaki pa yaan. Napakaganda ng ating pangarap para sa mga sarili natin at para rin sa ating bayan kaya patuloy pa tayong magsikap upang makamit ito,” pagbabahagi naman ni Sir Vren. 

“Wag din natin hayaan na sa kabila ng mga paghihirap natin ay patuloy lamang tayong abusuhin ng mga pulitikong pera lamang ang iniisip kasi hindi natin deserve kung ano ang mga nangyayari sa ating ‘di maganda ngayon,” dagdag at pagtatapos niya.

Ang naratibo ng mga naging karanasan nina Ma’am Marie at Sir Vren bilang mga guro ay isang patunay na may problema na kailangang solusyonan mula sa kailaliman ng sistema ng edukasyon. Nararapat na tiyakin na ang edukasyon ay may kalidad, naaabot, at tinatamasa ng lahat. Ating tandaan na ito ay karapatan ng bawat isa at karapat-dapat tayong magkaroon nang maaliwalas na kinabukasan sa kabila ng pandemya.

Ang mga kwento nina Burek, Coleen, Gng. Ana, Gng. Merly, Ma’am Marie, at Sir Vren ay ilan lamang sa mga repleksyon ng realidad ng distance learning. Marami pang tinig ang hindi naririnig at maraming naratibo pa ang kinakailangang mabigyan ng pansin.

Ang mga panawagan na ito ng mga estudyante, magulang, at mga guro ay nararapat lamang na isaalang-alang sa mga plano at desisyon sa pagsulong sa hinaharap.

Share this:

  • Click to share on Twitter (Opens in new window)
  • Click to share on Facebook (Opens in new window)
  • Click to email a link to a friend (Opens in new window)
  • Click to print (Opens in new window)

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Save my name, email, and website in this browser for the next time I comment.

Notify me of follow-up comments by email.

Notify me of new posts by email.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed .

TELETABLOIDISTA

Social media, edukasyon sa panahon ng pandemya.

Isang linggo nalang at pormal nang magsisimula ang pasukan sa eskuwela ng ating mga kabataan. Sa panahon ng pandemya, isa ito sa pinakamahirap na haharapin ng ating bayan. Bagaman distance o blended learning ang solusyon, hindi pa rin plantsado ang mga plano para dito—isang bagay na maaring mailagay sa alanganin hindi lang ang ating mga guro, kung hindi pati ang edukasyon ng bawat kabataang Pilipino.

Inimbitahan ng ilang mga grupo ng mga guro si VP Leni Robredo noong nakaraang linggo para magbahagi ng kanilang mga mungkahi sa pagsisimula ng pasukan. Isang malaking pangangailangan ayon sa kanila ang pagkukunan ng mga modules na gagamitin sa klase. Mayroon mang naka-upload sa internet, problema naman kung paano ito makaaabot sa mga estudyante.

Ayon sa mga pag-aaral, 61% ng mga sambahayan sa Pilipinas ay walang access sa internet; at 74% naman ng mga paaralan natin ay walang imprastraktura para makasabay sa pinaplanong online learning. May mga LGU na ring nagsisimula ng mga internet hubs para alalayan ang mga estudyante, ngunit nangangailangan pa sila ng karagdagang suporta para mabigyan ng pagkakataon ang halos 20 milyong estudyante sa public school sa ating bansa.

Para punan ang problema sa access sa internet, kinakailanganing i-print ng mga guro ang mga modules para sa kanilang mga estudyante. Kaso, saan kukuha ng budget para ma-iprint at mai-distribute ang mga ito? May magandang plano sana tayo kung paano magpapatuloy ang pag-aaral, pero kulang tayo sa suporta lalo na iyong mga paaralang nasa pinakamalalayo, pinakamaliliit, at pinakamahihirap na bayan.

Pangalawa sa pinakamabigat na alalahanin para sa ating mga guro ay ang kanilang proteksyon laban sa sakit. Sa paninilbihan bilang mga guro—paglabas ng bahay para sa pag-asikaso ng mga kailangan sa klase, pati na ang posibleng pag-house visit sa kanilang mga estudyante—napakalaking peligro ang kinakaharap nila. Kaya’t hiling nila na matulungang maproteksyunan ang kanilang kalusugan sa pamamagitan ng regular na medical check-up at medical testing.

Isa ito sa mga panawagan ni VP Leni Robredo: magtayo ng isang mekanismo para sa COVID-19 mass testing ng mga guro kung saan ang mga resulta ay mailalabas bago magsimula ang klase. Mahalaga ito para siguraduhing hindi sila, ang kanilang pamilya, at ang kanilang mga estudyanteng makakasalamuha ay mahahawaan ng sakit. Kasama rin sa mungkahi ni VP Leni ang pagsigurado na may karampatang kagamitan ang ating mga guro para magampanan ang kanilang tungkulin: kasama na dito ang mga PPEs at iba pang proteksyon para sa kapakanan ng nakararami. Ilan lamang ito sa mga mungkahi ni VP Leni na kalakip sa liham na kanyang ipinadala sa DepEd nitong linggo.

Lahat tayo ay sumusubok na maipagpatuloy ang ating pamumuhay sa panahon ng pandemya—ika nga nila, sa ilalim ng new normal. Mabuti na may kongkreto tayong mga plano para sa ating mga guro at mag-aaral, pero sana’y pag-igihan pa at pagtulungan ng lahat para makamit man lang natin ang “better normal” ngayong panahon ng pandemya. Pansamantala mang nahinto ang paggulong ng normal nating mundo, patuloy pa ring nangangailangan ng sapat, akma, at mapagkalingang atensyon ang bawat guro at mag-aaral. Hindi lang ito para sa mga kabataang pag-asa ng ating bayan: ito ay para lalo sa kinabukasan ng bawat Pilipino, at sa pagbangon ng mahal nating Pilipinas.

Abante Logo

TELE TABLOID

Follow abante news on.

edukasyon ngayong new normal essay

IMAGES

  1. Sumulat Ng Isang Talata Tungkol Sa Edukasyon Ngayong New Normal

    edukasyon ngayong new normal essay

  2. Sanaysay Tungkol Sa Edukasyon Sa Panahon Ng Pandemya

    edukasyon ngayong new normal essay

  3. Balita Tungkol Sa Edukasyon New Normal

    edukasyon ngayong new normal essay

  4. Balitang Pang Edukasyon Ngayong Araw

    edukasyon ngayong new normal essay

  5. SIMULATION NG LIMITED FACE-TO-FACE CLASSES SA MGA PAMPUBLIKONG PAARALAN, SINIMULAN NA

    edukasyon ngayong new normal essay

  6. Sanaysay hinggil sa bagong normal ng edukasyon

    edukasyon ngayong new normal essay

COMMENTS

  1. Mga Sanaysay Tungkol sa Edukasyon (10 Sanaysay) - Pinoy ...

    Upang malaman ang kahalagahan nito, magandang mabasa mo ang mga halimbawa ng sanaysay tungkol sa edukasyon na nasa ibaba. Ang mga sanaysay na ito ay masusing pinag-isipan ng mga sumulat na maaring makaapekto kung paano mo tinatanaw o tinitingnan ang edukasyon na mayroon ka ngayon.

  2. PAGTUTURO SA PANAHON NG NEW NORMAL: ISANG PAGSIPAT - IJNRD

    Ang pag-aaral na ito ay may layuning alamin ang “new normal” sa edukasyon mula sa pananaw ng mga guro, mag-aaral at magulang, ang mga paghahandang ginawa ng mga guro, at ang mga suliraning kinaharap nila sa pagtuturo sa gitna ng pandemya.

  3. ANG EDUKASYON SA “NEW NORMAL” NA SITWASYON - PressReader

    2020-07-27 - Lahat ay nagulat, natakot, at nanibago sa nagaganap na pandemic. Paano nga ba haharapin ang kasalukuya­ng pandemyang ito? Lalo na sa edukasyon, halos lahat ng magulang ay may pangamba na papag-aralin ang kanilang mga anak. Isusugal ba nila ang buhay ng kanilang mga minamahal na anak?

  4. New Normal Education through the eyes of Filipino learners

    New Normal Education through the eyes of Filipino learners. By Althea Kalalo, Nobel Peace Prize laureate Malala Yousafzai once said, “One child, one teacher, one book, and one pen can change the world.”. Her words put emphasis on the power of education, and paint a picture of its importance in society. This is why the Department of ...

  5. Edukasyon Sa New Normal | Smart Parenting

    Edukasyon sa new normal. Nagbigay ng paliwanag si Secretary de Vera III kung bakit flexible learning na ang new normal sa higher education sector. May mga dapat daw kasing isaalang-alang sakaling bumalik pa sa dating sistema, kung saan pumapasok nang sabay-sabay ang mga mag-aaral sa pisikal na silid-aralan.

  6. Edukasyon sa “New Normal” - PressReader

    Ang edukasyon sa new normal ay isang pagbabago, pagbabago sa kaparaanan ng pagkatuto na kung saan nagbibigay pa ng determinas­yon sa lahat ng mag-aaral upang magsumikap pang matamo ang angkop na pagkatuto.

  7. Kwentong Distance Learning: Mga Tinig ng Estudyante, Magulang ...

    EDUKASYON SA GITNA NG PANDEMYA. Ang distance learning tulad sa pamamagitan ng modyular o online class ang humalili sa nakasanayang face-to-face learning upang mapagpatuloy ang pag-aaral ngayong new normal.

  8. Epekto Ng Pandemya Sa Edukasyon | Smart Parenting

    May suhestiyon ang mga eksperto tungkol sa edukasyon sa new normal. Para epektibong makapagplano para sa hinaharap, ayon sa educator na si Cara Banson-Yulo, kailangan pag-aaral kung anong nangyari sa unang taon ng pandemya.

  9. Flexible learning modality: Pagkatuto ng mga mag-aaral sa ...

    Abstract. With the emergence of the new normal around the world due to the COVID-19 pandemic, there was an abrupt shift in the education system as well as the way students learn. Founded on...

  10. Edukasyon sa Panahon ng Pandemya - Abante

    Mabuti na may kongkreto tayong mga plano para sa ating mga guro at mag-aaral, pero sana’y pag-igihan pa at pagtulungan ng lahat para makamit man lang natin ang “better normal” ngayong panahon ng pandemya.