Paglikha ng Pictorial Essay o Larawang Sanaysay
- Post last modified: November 5, 2024
Ayon kay Amit Kalantri, isang nobelistang Indian, “A photograph shouldn’t be just a picture, it should be a philosophy.” May katotohanan nga naman, ang litrato ay isang larawan sa pisikal na anyo. Subalit, ito ay may katumbas na sanlibong salita na maaaring magpahayag ng mga natatagong kaisipan. Kaya naman, kahanga-hanga ang ? mahuhusay kumuha ng mga larawan dahil higit nila itong nabibigyang-buhay.
Ang larawan ay mahalagang kagamitan para sa isang guro dahil ito ay madalas niyang gamiting pantulong na kagamitan sa pagtuturo upang mapadali ang pagkatuto ng mag-aaral. Kaya naman, hindi nakapagtatakang ang mga larawan ay gamitin din bilang mga instrumento sa mga gawaing pagsulat tulad ng photo essay o larawang-sanaysay.
Ang larawang-sanaysay na tinatawag sa Ingles na pictorial essay o kaya ay photo essay na para sa iba ay mga tinipong larawan na isinaayos nang may wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang maglahad ng isang konsepto.
Ang larawang-sanaysay ay gaya rin ng iba pang uri ng sanaysay na gumagamit ng mga pamamaraan sa pagsasalaysay. Sa pagsasalaysay, maaaring gamitin mismo ang mga binuong larawan o dili kaya’y mga larawang may maiikling teksto o caption. Malaki ang naitutulong ng larawang may teksto sapagkat nakatutulong ang mga ito sa mga ideya ng kaisipang ipinakikita ng larawan.
Ang mahalagang katangian ng larawang-sanaysay ay ang mismong paggamit ng larawan sa pagsasalaysay. Layunin nitong magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong gumagawa ng salaysay, magbigay ng mahalagang impormasyon, at malinang ang pagiging malikhain.
Makapagsasalaysay dito sa pamamagitan ng mga larawang may kronolohikal na ayos. Ibig sabihin, isinasalaysay ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng larawan. Kung pangkalahatang kaisipan lamang ng pangyayari ay maaari nang gamitin ang isang larawang may natatanging dating. Ibig sabihin, sa isang kuhang larawan ay naroon na ang lahat-lahat ng mga ideya.
Gayumpaman, nakasalalay pa rin sa husay at pagiging malikhain ng isang tao ang paggamit ng mga larawan sa paggawa ng sanaysay dahil nakabatay rito kung paano pag-uugnay-ugnayin ang mga larawan ayon sa kanyang mga naiisip na ideya. Ang mahalaga, kailangang malinaw ang mensahe ng gagawing larawang-sanaysay.
Narito ang mga dapat mong isaalang-alang sa pagsulat ng larawang-sanaysay:
- Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.
- Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.
- Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.
- Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o emosyon ay madaling nakapupukaw sa damdamin ng mambabasa.
- Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang larawan, mabuting sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang mga larawan.
- Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga larawan. Tandaan na higit na dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga salita.
- Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng kronolohikal na salaysay, isang ideya, at isang panig ng isyu.
- Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing , komposisyon, kulay, at pag-iilaw. Kung minsan, mas matingkad ang kulay at matindi ang contrast ng ilang larawan kompara sa iba dahil sa pagbabago ng damdamin na isinasaad nito.
Halimbawa ng larawang sanaysay:
- Ano ang pagkakaiba ng larawang-sanaysay sa isang tradisyonal na sanaysay?
- Bakit mahalagang sangkap ang mga larawan sa paggawa ng pictorial essay?
- Ano-ano ang layunin ng pictorial essay?
- Paano makatutulong ang pictorial essay na malinang ang pagiging malikhain ng mag-aaral na tulad mo?
- Bakit mahalagang ang paksa ng iyong pictorial essay ay nakabatay sa iyong interes?
SHARE TO YOUR FRIENDS Share this content
- Opens in a new window
You Might Also Like
Pagsulat ng Korespondensiya Opisyal
Kakayahang Lingguwistiko
Pagsulat ng Posisyong Papel
- #WalangPasok
- Breaking News
- ALS Exam Results
- Aeronautical Engineering Board Exam Result
- Agricultural and Biosystem Engineering Board Exam Result
- Agriculturist Board Exam Result
- Architecture Exam Results
- BAR Exam Results
- CPA Exam Results
- Certified Plant Mechanic Exam Result
- Chemical Engineering Exam Results
- Chemical Technician Exam Result
- Chemist Licensure Exam Result
- Civil Engineering Exam Results
- Civil Service Exam Results
- Criminology Exam Results
- Customs Broker Exam Result
- Dental Hygienist Board Exam Result
- Dental Technologist Board Exam Result
- Dentist Licensure Exam Result
- ECE Exam Results
- ECT Board Exam Result
- Environmental Planner Exam Result
- Featured Exam Results
- Fisheries Professional Exam Result
- Food Technologist Board Exam Result
- Geodetic Engineering Board Exam Result
- Guidance Counselor Board Exam Result
- Interior Design Board Exam Result
- LET Exam Results
- Landscape Architect Board Exam Result
- Librarian Exam Result
- Master Plumber Exam Result
- Mechanical Engineering Exam Results
- MedTech Exam Results
- Metallurgical Engineering Board Exam Result
- Midwives Board Exam Result
- Mining Engineering Board Exam Result
- NAPOLCOM Exam Results
- Naval Architect and Marine Engineer Board Exam Result
- Nursing Exam Results
- Nutritionist Dietitian Board Exam Result
- Occupational Therapist Board Exam Result
- Ocular Pharmacologist Exam Result
- Optometrist Board Exam Result
- Pharmacist Licensure Exam Result
- Physical Therapist Board Exam
- Physician Exam Results
- Principal Exam Results
- Professional Forester Exam Result
- Psychologist Board Exam Result
- Psychometrician Board Exam Result
- REE Board Exam Result
- RME Board Exam Result
- Radiologic Technology Board Exam Result
- Real Estate Appraiser Exam Result
- Real Estate Broker Exam Result
- Real Estate Consultant Exam Result
- Respiratory Therapist Board Exam Result
- Sanitary Engineering Board Exam Result
- Social Worker Exam Result
- UPCAT Exam Results
- Upcoming Exam Result
- Veterinarian Licensure Exam Result
- X-Ray Technologist Exam Result
- Photography
- Programming
- Smartphones
- Web Hosting
- Social Media
- SWERTRES RESULT
- EZ2 RESULT TODAY
- STL RESULT TODAY
- 6/58 LOTTO RESULT
- 6/55 LOTTO RESULT
- 6/49 LOTTO RESULT
- 6/45 LOTTO RESULT
- 6/42 LOTTO RESULT
- 6-Digit Lotto Result
- 4-Digit Lotto Result
- 3D RESULT TODAY
- 2D Lotto Result
- English to Tagalog
- English-Tagalog Translate
- Maikling Kwento
- EUR to PHP Today
- Pounds to Peso
- Binibining Pilipinas
- Miss Universe
- Family (Pamilya)
- Life (Buhay)
- Love (Pag-ibig)
- School (Eskwela)
- Work (Trabaho)
- Pinoy Jokes
- Tagalog Jokes
- Referral Letters
- Student Letters
- Employee Letters
- Business Letters
- Pag-IBIG Fund
- Home Credit Cash Loan
- Pick Up Lines Tagalog
- Pork Dishes
- Lotto Result Today
- Viral Videos
Katangian Ng Larawang Sanaysay – Kahulugan At Halimbawa Nito
Ano ang mga katangian ng larawang sanaysay (sagot).
LARAWANG SANAYSAY – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang mga katangian ng isang larawang sanaysay at ang mga halimbawa nito.
Maraming halimbawa ng sanaysay. Depende sa iyong mga talento, estilo ng pagsulat, o pagpapahayay, may iba’t-ibang uri ng sanaysay na maaari mong gamitin. Isa sa mga halimbawa nito ay ang larawang sanaysay.
Ang mga larawang sanaysay ay matatawag rin na photo essay sa Ingles. Ito ay isang pagsasama na sining ng potograpiya at wika. Ang mga ito ay grupo ng mga laraway na isinasaayos ng magkakasunod para maipakita ang pangyayari, damdamin, o konsepto ng paksang tinatalakay.
Ito’y isang halimbawa ng sining na nagpapakita ng emosyong gamit ang paghahanay ng mga larawan . Lahat ng mga larawan ay may maiikling o deskripsyon. Samantala ang picture story ay nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang magsalaysay o magkwento.
Heto ang mga katangian:
- Malinaw na Paksa
- Orihinalidad
- Lohikal na Estruktura
- Komposisyon
- Mahusay na Paggamit ng Wika
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Paano Ginagamit Ang Modal Sa Mga Pangungusap? (Sagot)
COMMENTS
Ang larawang-sanaysay na tinatawag sa Ingles na pictorial essay o kaya ay photo essay na para sa iba ay mga tinipong larawan na isinaayos nang may wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang maglahad ng isang konsepto.
Ang mga larawang sanaysay ay matatawag rin na photo essay sa Ingles. Ito ay isang pagsasama na sining ng potograpiya at wika. Ang mga ito ay grupo ng mga laraway na isinasaayos ng magkakasunod para maipakita ang pangyayari, damdamin, o konsepto ng paksang tinatalakay.
Layunin: Makilala ang mga katangian ng mahusay na photo essay; Mabigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa photo essay; Maibahagi nang pasalita sa klase ang isinulat na photo essay; Makasulat ng organisado, malikhain at kapani- paniwalang sulatin; Makabuo ng photo essay batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng ...
Photo Essay (Sanaysay ng Larawan) – Isang koleksiyon ng mga imahe na inilagay sa isang partikular na pagkakasunod-sunod upang ipahayag ang mga pangyayari, mga damdamin, at mga konsepto sa pinakapayak na paraan.
ANG PAGGAWA NG LARAWANG-SANAYSAY Ang larawang sanaysay ay tinatawag sa Ingles na pictorial essay o photo essay. Ayon kay Garcia, 2017 ang larawang sanaysay ay mga tinipong larawan na isinaayos nang may wastong pagkaksunud-sunod ng mga pangyayari upang maglahad ng konsepto.
Ang aralin ay tungkol sa kahulugan, layunin at gamit ng photo essay bilang isang anyo ng akademikong pagsulat. Ang photo essay ay koleksiyon ng mga larawan na inayos upang maglahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o magpahayag ng damdamin.
KAHULUGAN Ang larawang sanaysay, na tinatawag sa Ingles na pictorial essay o photo essay, ay isang uri ng sulatin na naglalayong maipabatid ang nilalalaman ng isang akda sa pamamagitan ng mga nakahanay na larawan na sinusuportahan ng mga deskripsyon o kapsyon.
Ang dokumento ay tungkol sa larawang sanaysay o photo essay. Binigyang-diin nito ang kahulugan, anyo, kalikasan, at mga hakbang sa paggawa ng photo essay. Ang photo essay ay isang uri ng sanaysay na gumagamit ng larawan upang ipahayag ang ideya o kuwento.
Ang photo essáy ay isang uri ng sining o anyo ng komunikasyon kung saan ginagamit ang mga larawan upang magkuwento ng isang kwento, maglahad ng isang kaisipan, o magpapakita ng isang tema. Karaniwang binubuo ito ng isang serye ng mga larawan na sunod-sunod na nagpapahayag ng mga pangyayari, emosyon, at mensahe.
Ang dokumento ay tungkol sa pag-aaral ng photo essay. Binigyang-diin nito ang mga layunin, katangian, kalikasan at kahulugan ng photo essay. Pinag-usapan din ang mga katangian ng mahusay na pictorial essay at mga gawain upang mas maunawaan ang konsepto ng photo essay.